GOD is GOOD!

at Grotto, Lucban.. (ganda!! astig!!) God Rocks!!!
*sigh* lot of things has been going on lately to me..most of it are PROBLEMA!! nakakaloka!!
i usually post an entry about my lastest "activity", and that was, when we (che) went to Lucban and spent our Holy Week there..after Lucban, nakipagkita ako kay Mac, i spent less than 48 hours with him..
kung iisipin mo, sa dalawang linggo na wala ako sa bahay..malamang marami na akong na-kwento tungkol sa nangyari diba?! ang dami nangyari nung nasa Lucban kame, pwede ko un isa-isahin, may pics pang bonus para mas maganda ang pag bababasa ng blog ko diba?! at eto pa, nakasama ko si Mac!! (swerte sa mga nakakaalam kung sino si mac sa buhay ko) kung tutuusin, dami ko rin pwede ikwento about it, may pics din kasama.....
....kaso, wala na akong gana!! hindi ako tinatamad, or whatever..pero nawalan lang ako ng gana i-kwento yung nangyari sa akin lately, kasi may mas maganda akong kwento!! -- simple lang, NAKILALA KO ULIT SI GOD at NAKAKAUSAP KO ULIT SIYA!!
...narevive yung buong pagka-tao ko..gumaan ang loob ko..naging masaya ako..ang babaw na ng kaligayahan ko pero malalim na ako magisip..for short, nag sisimula na ako mag BAGONG BUHAY!! i asked kasi for it kapalit ng isang malupit na "kasalanan" na ginawa ko..binigyan Niya ako ng bagong pagkakataon, this time..MAGSESERYOSO NA AKO!!
may problema ako kay Mac, pero hindi na ako tulad ng dati na na-pra-praning at naloloka, kasi hindi ko na finocus ang buhay ko sa kanya tulad ng ginawa ko noon, ang goal ko, is gawing sentro ng buhay ko si God, at hindi si Mac, o kahit sino man, kundi Siya lang..kaya masaya ako ngayon!!..
ang gaan talaga ng feeling ko, pakiramdam ko nga pwede na akong lumipad!! *hahaha*
(baduy ba kwento ko?! sorry ha! pinagmamalaki ko lang na BINIHAY AKO ulit ni God! at masaya ako ngayon!)
"Astig tayong lahat!!"
-Lee Falcon


<< Home